16. Dalawa pa lang ang ex ko. ‘Yung una, pakshet. ‘Yung pangalawa, ako ‘yung pakshet. ‘Yung nauna, gumising na lang ako one morning na ayaw na niya. Ganoon kasimple. Walang tsetseburetse. ‘Yung pangalawa, gumising siya isang umaga na ayaw ko na. Ganoon din ka simple. Ang pagkakaiba lang, hinabul-habol ko ‘yung una, halos lumuhod na ako, maglupasay sa iyak at uhugin sa haba ng iyakan. Itong pangalawa, para’ng nakatanggap lang ng forwarded message. Mas simple. Hindi natinag. Walang kembot. Ang lintek, hindi ako hinabol!
.
LOL, well, that’s life! that’s love? hahaha