DL Profile v.1; 14. Tamang Hulog, Messages
14. I would appreciate [sumpa man] kung nasa tamang hulog lang ang reply sa mga text messages ko in the future. I mean, di ba? In the long run, we’ll have each others’ number. Who will ask the number, when and how is another question altogether. Magkakaroon ng ever-flowing text messages kung maayos ang mga sagot at mga forwarded. Ang mga nabanggit ay halimbawa ngunit hindi limitado sa mga sumusunod –
a. Mga “send to 7 friends” type of messages at kapag hindi nagawa, mamalasin sa pag-ibig. Dinamay mo pa ako sa kamalasan mo, kung hindi ka ba naman yawa.
b. Mga “sino pa’ng gising?” GM or group messages. Pasikat, palibahasa naka-unli.
c. Mga “sin lama ma ak sa pai omit o as bai” type of messages. Spell daw ‘yan ng matandang babae na nasagasaan. Kailangan ipasa sa iba kung hindi may masamang mangyayari. Lintek ka, pinakaba mo pa ako. Natakot kaya ako. Syempre, ipinasa ko rin naman sa iba. Sorry, hindi na mauulit.
d. Mga “Dito me sa mall kasi I’m buying a new pair of Lacoste shoes atsaka pants sa Linea Italia, may party ako’ng pupuntahan bukas. Pauwi na rin ako pero magpapalinis pa ako ng car as Rapide” type of messages. Ang tanong ko lang naman, Asan ka? Yayain mo’ng manuod ng sine – “libre mo ko?” ang reply.
.
© 2009, TH. All rights reserved. My blog, my words.
Sometimes the thoughts just come running almost without a halt
Please forgive some typographical errors and slipups. I don’t allow
anyone to copy what I’ve written here, but oh, If I cannot stop you
from doing so – Please quote or acknowledge this website. Ayos ba?

