TH, help naman po tungkol sa problema ko sa love. Nagkaroon po ako ng boyfriend at tatlong taon na po kami’ng hiwalay. Naghiwalay po kami dahil sa pambababae niya. Ilang beses ko siyang nahuling nagsisinungaling. Ilang beses ko rin po’ng nabasa ang mga text messages sa kanya ng mga babae sa iba’t ibang okasyon. Madalas po niya’ng sinasabi na nasa bahay siya ng barkada pero madalas ko rin po siyang nahahalata na meron siyang itinatago. One time po, pumunta ako sa bahay ng kaibigan niya at nakita ko po’ng merong babaeng nakayakap sa kanya habang nag-iinuman. Simula po noon, nakipagbreak na ako. Sabi niya mahal n’ya pa rin ako. Madalas po siya’ng magparamdam. Pero ayaw po niya akong tigilan. Last week lang po nagparamdam na naman siya. Ano po ba ang dapat ko’ng gawin.
- Melissa Kudyapi, Pasay City
TH: Magpadasal ka. Baka hindi matahimik ang kaluluwa n’ya. Ilang taon na ba siya’ng patay?
Hangin daw sa tenga.
Animal talaga!
Anong klaseng paramdam? Amoy ng kandila o lumilipad na kurtina? Wahaha! Tama ang payo, magpadasal! Animal na dyowa yan!!!
Tayna kasi, arte… nagpaparamdam pala e. e di sunggaban! tapos iwanan na parang basang sisiw.
hahaha! sabi na eh..dun pa lang sa word na paramdam naisip ko na agad gagaguhin mo ung sagot eh..haha