RSS

Nahihirapan sa Pag-ibig, Help!

Dear TH, itago n’yo na lang po ako sa pangalang Miss Gemini. I am from Caloocan, 25 at nagtatrabaho po sa Makati. I have a boyfriend of 5 years, nagkakilala po kami when I was still in college. I was 20 years old then at siya naman po ay 24. Masaya po ako kapag kasama ko siya, pero nahihirapan na po ako sa situation namin. Isa po s’yang pamilyado’ng tao nang makilala ko siya. Kasal po siya at may isang anak. Buntis po ang asawa niya ngayon. I want to live a straight life. Gusto ko na po siyang hiwalayan pero nahihirapan po ako. Ano po ba ang dapat ko’ng gawin, TH?

- Miss Gemini of Caloocan City

  

TH: Impakta ka! Andami mo’ng sinabi kabit ka lang pala. Tigilan mo nga ako ng kaka-ingles-ingles mo d’yan. Nagmamaganda ka pa, may asawa naman pala ang boyfriend mo. At nakuha mo pang sumulat sa akin! – Ano ka, nagmamaganda? Ha? Aba’y impakta’ng ‘to! College ka palang, talandi ka na. O, ano ngayon ang napala mo? Ngayon nahihirapan ka! O, e Nahihirapan ka naman pala e, e di ‘wag mong hiwalayan! Problema ba ‘yun? Manganganak ang asawa n’ya, e di alukin mo’ng maging ninang ka ng anak nila! Sus, kadali! Kung di ka ba naman impakta. ‘Yan lang inihihingi mo pa ng payo. Impakta!

 

 

  • Share/Bookmark

7 Comments Add Yours ↓

  1. TH #
    1

    wahahahhahah!
    may poot mare!!!!

  2. 2

    sya pa ang nahihirapan nyan ha. eh tumagal na nga sya ng 5 years na nakikisawsaw sa platito ng iba, eh baket ngayon lang sya nagrereklamo? gusto nya rin majontis? inggitera! *wapakz* *blag* *ratatatatat* *toink*

  3. TH #
    3

    akalain mong nakakaabot ang TH sa high altitude. Enjoy the flight!

  4. TH #
    4

    Kung lahat siguro ng magbibigay ng payo ay ganyan, wala na sigurong matino ngayon.

  5. cliogoddess #
    5

    bwahahaha, nalaglag ako sa business class ng eroplano sa sagot

  6. TH #
    6

    Lols. E kasi naman, pa-englis englis pa.

  7. Choleng #
    7

    Yan ang sagot!!!



Your Comment

IMPORTANT! To be able to proceed, you need to solve the following simple math (so we know that you are a human) :-)

What is 6 + 14 ?
Please leave these two fields as-is: