Dear Diary,
- Matuklap-tuklap na ang keloids sa pagkukumahog makabili lang ng tsokolate para sa’yo tapos sasabihin mo’ng hindi mo alam? Ha? Haaaaa? Ampucha, suntukan na lang! Ano?
Tapos sasabihin mo’ng hindi ka nakatikim samantalang ‘yung iba halos matae-tae na sa salwal? ‘Yung isa nga ni-sacrifice pa ang over personal maka-tae lang e. O, ano hah? Taena.
Kung alam ko lang na tsokolate lang ang katumbas ng atensyon mo, pumasok na sana akong may dinikdik na chocnut sa mukha.
- ‘Yung kirot sa t’yan ko, lumipat na sa puso [o, nangengelam ka?]. Halos kausapin ko na ang sarili ko sa gutom h’wag lang tayo magkasabay sa lunch para iwas issue. Tapos kamuka’t mukat ko, nagsabay? Ano ‘to factory? Sabay-sabay mag-lunch? O sige na, kainin mo lahat ng imported na tsokolate! Isaksak mo sa baga mo! at h’wag na h’wag mo siyang ibabalik kapag naisaksak mo na sa baga mo!
- Sige, saktan mo pa ako. Magsalita ka! Ano? Ha! Pintasan mo s’ya sa harapan ko. Pintasan mo s’ya. Now na!